| ito muna ung part one of three parts...kasi...uhm...maxado xang mahaba..para di maxadong mahabang tignan...hahaha!! wala lang...saka para di ako matagalan sa pag-eedit...
April 11, 2006 – JOLLIBEE DINNER
Nothing really happened this day. Just the usual, TV, computer, internet, food, blah, blah, blah…Then we had dinner at Jollibee since my father and grandma will go somewhere.
April 12, 2006 – YM WITH CRUSH
today, we had our aquariums cleaned. Nakakairita nga ung naglilinis eh! He came so early! As in, nobody was awake yet, around 7.00 I guess, then he rang the doorbell, ako tuloy ung nagising! Grrr!! Nakakairita talaga!! Antok na antok pa ako nun!!
Then my mom arrived at 8.00, she gave me the bra that I asked her to get for me, then paid her. Yey! She brought Jollibee's peach mango pie with her! My favorite! But she didn't stay so long, she left shortly after arriving, after less than an hour.
Then I had to pack my clothes since we will go to our province the next day. Wow, I packed so heavy, ang laki laki ng bag ko. Pano ba naman, after our province, we will go up to Baguio, then go down to pangasinan to go swimming, then go back to our province, then to our house. So really, I just had to right?? Haha!! Anyway, that same night, I was so happy and kilig…cause I had a chat with my crush!! Weeee!! So happy…hehe…
April 13, 2006 – MY FIRST REAL BUNOT
so we left early, 8 palang yata nun. On our way to our province (sta. rosa, nueve ecija), we had 2 stopovers like we usually do, sa maisan, and sa may ihawan..yum, yum! Foodtrip talaga! Di pa kasama dun ung mga dala naming chitchiria and mammon, breads, juice, and goldilocks foods..yum!! sarap! Nonstop eating! Hehehe….
When we arrived, my sister and I went to our room…haaay, at last!! malamig na! pano ba naman, kahit naka aircon sa sasakyan, ang init init parin talaga. Summer heat talaga oh, ang tindi! Hehe… anyway, after an hour siguro, dumating na ung second batch, ung mga cousins kong iba…then we just stayed in the room and chatted. Ang saya nga nun eh, bonding talaga, tas chismis ng mga tao tao, labas ng hinanakit sa mga magulang..haha!! pero we had to stop kasi may mga sumaling iba na *ehem* sumbungera…haha! So un, nanood nalang kami ng dvd version ng ice age2…tas ako'y nagbasa ng mga magazines dun after…tas ano toh!?!?! Tulog na sila?? Siesta time ba ito?? Hehehe…so un, nakitulog narin ako… 
Pero ay, ito pala ang pinakahindi ko makakalimutang ikwento! Haaay, ang exciting nito para sakin, hehe…sorry na, pero alam kong ang babaw nito at baka matawa lang kayo pero ang saya ko talaga nito dahil nung gabi….tantanana!! NABUNUTAN NA AKO!! Hahaha!! Sorry na, ang saya lang talaga, kasi FIRST REAL bunot ko ito kaya ang saya ko talaga, tas isama pa ung halos apat na taon ko na yatang hinihintay na alisin na ung ngipin na un…hehe…kaya iyon, sobrang ang saya ko na kinabahan, na medyo naganticipate rin kung anong magiging reaksyon ng katawan ko dun sa anestisya…hehe… pero fortunately, wala namang nangyari sakin, natapos naman an lahat ng maayos, though pinakaba ko lang talaga ung mga tao sa paligid ko…hehe… so un, wala naman palang problem kung magpabunot ako eh, buong buhay ko pinahirapan ako ng totoong dentist ko…sa kamay pa ng ibang dentista ako unang nabunutan…kasi naman eh, syet that doctor's clearance permit!! Ang mahal mahal niyang makuha tapos nawala ko lang! haha…ayaw tuloy akong bunutan ng dentist ko, baka daw kasi bigla akong mangisay ngisay dun tas patayin pa xa ng papa ko…hehe…oh well, ang importante, at last…NABUNUTAN NA AKO!! Yipeee!! 
(more info on my next post at my blogspot... )
April 14, 2006 – NONSTOP BARBIE, PRUSISYON RACE, AWAYAN
this day, we were practically stuck inside our room, nakakatamad kasing lumabas sa sobrang init, xempre dun nalang kami sa may aircon… hehe… anyway, we watched princess and the pauper, Barbie version, after that, swan lake, Barbie version…then as a yearly custom, we had to go with the oldies a.k.a. the parents (hehe… ) to the prusisyon. Haaay…ang haba haba talaga nun. Pero ang saya niya this year kasi pinabayaan lang kami this year na kami kami ung magkakasama, kami kaming mga magpipinsan at isang may asawa na naming pinsan na masaya paring kasama. Hehe…tas ang saya lang kasi syempre napapagod kami tas bigla nalang naming marerealize na nasa likod na kami, tas tatakbo kami papunta sa harap, tas mapupunta nalang ulit sa likod…tas sobrang obsessed kami na palaging nakailaw ung candle namin kasi after nun magpapaiklian kami, eh mahangin, palagi tuloy namamatay…hehe..ang fun talaga…!! Hmmm..what else? Ahh! May time pa nga na gusto na naming kumain, eh mangangalahati palang, tas may nakita kaming house na may sign na "ice candy 4 sale" so un, bumili kami, tas paglabas namin sa gate nila…hala!! Wala na ung dulo ng prusisyon!!! Waaaaa!! Takbo!!! Hahaha…un, balewala ung ice candy, kasi mas napagod kami sa kakatakbo…hehe…
After nung prusisyon, tumuloy kami sa isang branch nung kasama naming may asawa na na Natasha, tas un, tumingin tingin, tas may nakita akong cute na set ng panties, so binili ko, tas may binigay naman xa saking pink na bra, so un…ang saya!!
Pagdating sa bahay, xempre sa room na naman kami, nood naman kami this time ng nutcracker, Barbie version…hehe..walang kasawaan noh? Ang cute kasi eh!!!
Haaay…pero may sad part, nung malapit na kaming matulog, bigla kaming may narinig na sigawan…lumabas ung isa ko pang pinsan, si ate Janice, para tignan kung anong nangyayari…apparently, ung asawa nung kapatid niya, si ate Jocelyn, minumura ung papa ko, nagaaway silang dalawa. Basta something happened kasi na di agustuhan ng papa ko, edi sinita niya, tas naging away na kasi lasing ata ung asawa na un…so sad talaga…iyak nga ng iyak si ate Jocelyn eh, napapahiya daw kasi siya kay papa, hiyang hiya daw siya…blah blah blah…basta un, long story kasi ung utang na loob niya sa papa ko…haaay…whattalooongday…
April 15, 2006 – 'D LUCKY ONES AND MY DRAWING SKILLS
Xempre ang tagal ng plano namin (ako, ate ko, ate alen, at kevin) toh, ever since una naming makita sa commercial…ang manood ng 'D LUCKY ONES!! Hahaha!! Ang corny..xenxa na, pero we can't help it eh, nakakatawa kasi ung trailer, so we just had to watch it…but I have to clear something up, DI KAMI SANDARA FANS, we don't like it, we just like the story plot..so un, ang funny talaga, though ung ibang jokes, overused na sa commercials na din a maxadong nakakatawa sa movie itself…but still, it's a very funny movie…
Tas after watching, we went window shopping sa ibang stores, tas bumili ako ng bra sa ifu (walang akong kasawaan sa bra noh? Hehe…) at nichido lip gloss…tas sila ay bumili ng sketch pad at coloring materials at kung ano ano pang pang arts…tas un, bumalik na kami sa aming compound…
So un, as usual, nagkulong na naman kami sa room…tas nagdrawing ung ate ko…tas nagdrawing ako dun sa sketch pad ng pinsan ko..tas we colored it…haaay…proud ako sa drinowing ko..sa susunod ilalagay ko un sa multiply ko…hehe…
April 16, 2006 – EASTER EGG HUNT, BAGUIO, AND BOREDOM
First thing first, since we slept at around 1.30, I was still awake when my cell alarm rang at midnight, apparently, it was my ex's birthday (haha!! Kunwari di ko naalala=p hehe…). So since I was awake and everything na naman, it wasn't a bother, so I texted him and greeted him a happy birthday…but believe me, when I saw that reminder, I was a little surprised pa nga eh, medyo nawala kasi sa utak ko (really!! Totoo toh!!) …but I think it was really meant to be that I greet him, destined talaga…wahahaha!! Joke time!!
Hmmm...it's Easter Sunday today…and when it's Easter Sunday, we have…..EASTER EGG HUNT!!! Weee!! Hehe…fun, fun, fun!! Kahit na halos kakagising lang namin nun at gusto pa naming matulog. Nagulat nalang kami ng pinuntahan na kami ng auntie namin, tas sabi saming lahat, tayo na!! magsisimula na ung egg hunt!! Hehe…tas parang kami, mamaya nalang…tas xa, anong mamaya, ngayon na, tayo na bilis…so un tumayo na kami…hehe…then when we ere complete, saka lang nagsimula…all in all, there were 66 eggs (ung plastic ah!) and there like 9 of us yata…ewan, I'm not sure, basta puro kids lang talaga (ako ung pangatlo sa pinakamatanda…haha!!). basta nakatago lang lahat nung eggs sa labas, within the compound, bawal sa loob ng mga bahay (buti na nga lang bawal eh, ang lalaki kasi ng mga bahay dun, at least restricted..hehe..). Then in the end, I landed on second place!! I got seven eggs…Weeee!! Ang saya talaga…takbo talaga lahat eh…pero masaya talaga ako kasi I had no idea where the eggs were beforehand. Ung first placer kasi namin, si eris, habang iniikot niya ung baby brother nya sa stroller, naghahanap daw ng mga eggs…hehe..ang gandang teknik noh?(magawa nga next year) Haha!!
Anyway, at around noon, we went to the room then watched mulan one and two naman…then shortly after dinner, we started to get ready for our trip to Baguio. Since four hours ung byahe, nagtext ako sa mga tao tao, tas ung mga nagrereply, ginagawa kong katext…hehe …so apat yata ung katext ko nun eh…haha..wala lang, ang saya…pero ang creepy nung nangyari kay chad (un ung bata na inaalagaan namin palagi..ang cute cute kasi, pero super pasaway!! Magtwo two palang xa this year…) hehe..tas un, nung paakyat na kami tas nagising na xa, super ang tahimik nya, tas sa labas plagi nakatingin, tas di nya kami (apat kami, ako, si ate, si ate alen, pati ate Janice) pinapansin…kahit kausapin namin xa, yinugyog pa nga namin eh! Pero wala! Tinitigan lang nya kami tas sa labas xa ulit tumingin…grabe talaga yun…ang creepy, and tahitahimik nya tas nagtututuro pa sa labas…yiiiii!! Baka may nakikita xa!! Yikes!! CREEPY!!
Ay nga pala, all in all, we used 3 cars, ung crosswind, dun kami nakasakay (ung mga from manila), ung starex (dun ung mga tiga province), tas isang ambulance!! Haha!! Astig noh!! As in ung ambulance, ung maingay!! Haha…wala lang…dun kasi nakalagay ung mga bagahe naming lahat, kasi naman, all in all, there were 31 of us…wow noh?...ang dami…
April 17, 2006 – CUTE KEYCHAIN AND MINI DONUTS
so xempre, pasyalan time na, since may mga kasama kaming first time sa Baguio (ung dalawang katulong sa province namin), dumaan muna kami sa mansion, picture picture, tas mines naman. Naglibot libot lang kami sandali, bumili ako ng cashew since gusto ko ung nuts na un (hehe..ang takaw ko talaga!) tas bumili kaming apat ng anklet na parepareho…pero di kami nakaikot maxado kasi uwi na daw muna…so un…bumalik muna kami dun sa stinestayan…basta dun sa isang bahay dun na denr property..dun din kami nagstay last year..
anyway, after a while, we went to sm naman, so libot libot…tingin tingin…kami nila ate and ate alen ung magkakasama…tas bumili kaming tatlo ng cellchain sa bear hugs…ang cute nga eh!! Un ung mga animals na may malalaking paa ..hehe…tas bumili ako ng t-shirt sa artwork…then nung pabalik na kami sa meeting place, bumili kami ng mini donuts!! Yum! Sarap! Hehe…tas uwi na sa bahay..
>>>so un na muna!! stay tuned for the next issue of mah wonderful vacation..hehe.. |